PINUNO NG TRIBO AT ASAWA, PINATAY

PATAY ANG TRIBAL chieftain at ang buntis na asawa nito nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Tampakan, South Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ni Region 12 Spokesman, Chief Insp. Jomar Alexis Yap ang mga ito na sina Tonio Binuhay, pinuno ng tribong S’bangken at ang asawang si Rosanna na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinabi ni Yap na pinatay ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Purok Quezon, Barangay Sta Cruz sa naturang bayan at lalawigan.

Isa sa mga anggulong tinitingnan ang pagpayag ni binuhay sa operasyon ng Sagittarius Mines sa lugar.

Sinabi naman ni Manolo Labor, external affairs communication superintendent ng Sagittarius Mines na pansamantala nilang ihihinto ang operasyon hangga’t hindi nareresolba ang krimen.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.