Pinukpok na ng bato, sinaksak pa Grade 1 Pupil, ‘Di Nakakasa sa Grade 5

PATAY ANG isang grade 1 pupil matapos pukpukin ng bato at saksakin ng kalarong grade 5 sa Iloilo City.

Isinugod pa sa pagamutan ang agaw-buhay na biktima na nakilalang si Shant Peter Gelasan, 8 taong gulang, matapos pukpukin ng bato sa ulo at saksakin pa umano sa magkabilang tenga ng nakatatandang kalaro sa loob mismo ng kanilang eskuwelahan sa bayan ng Sara ng nasabing lalawigan kamakalawa.

Ayon naman sa lolo ng biktima, nakita niyang naglalaro ng holen ang dalawa. Posible aniyang na-talo ng apo niya ang salarin kaya ito nagalit at sinugod ang apo.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga bato at holen, maging ang damit ng biktima, pero hindi na nahanap ang patalim na ginamit ng suspek.

Sinabi ni SPO1 Elenita Dodas, posibleng nakaapekto sa pag-iisip ng suspek ang panonood ng actions movies.

Sa ngayon, nasa pa-ngangalaga na ng Municipal Social Welfare And Development Office ang nasabing batang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.