Pintor, Todas sa Bala

PATAY ANG isang pintor matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay nakatayo sa harap ng isang bakery kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi umabot ng buhay sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial hospital sanhi ng tama ng bala sa hindi mabatid na kalibre ng baril sa batok ang biktimang si Ramier de Joseph 39, binata, ng Phase 3-D, Tambakol St., Dagat-dagatan, Brgy. 28 ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Kabayan Bakery na matatagpuan sa Tuna Tambakol St., ng nasabing lungsod.

Nakatayo ang biktima nang hindi nito namalayan ang pagsulpot ng suspek na armado na baril at walang sabi-sabing barilin sa batok ang una saka tumakas sa di-malamang direksyon.

Duguang humandusay sa lupa si De Joseph na agad na isinugod sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan rin siya ng hininga.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.