Pintor na may sayad, nagpatiwakal sa LRT Station

ISANG 29-ANYOS na pintor na hinihinalang umakyat lamang sa hagdanan ng Light Rail Transit (LRT) United Nation Station at saka tumalon na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan, kamakailan sa Maynila.

Patay na, basag ang bungo at duguan ang biktimang si Dionisio Vergara, residente ng Ususan Extension, Calamba, Laguna nang matagpuan ng security guard ng LRT kaya iniulat sa nakasasakop na barangay.

Lumalabas sa report ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa naturang istasyon ng LRT 1.

Wala umanong suot na pang-itaas at wala ring sapin sa paa ang biktima, kaya pinaniniwalaang wala ito sa tamang pag-iisip.

Ayon naman sa kapatid ng biktima na si Jennifer Mendoza, dati nang may problema sa pag-iisip at posibleng sinumpong muli ng sakit ang kanyang kapatid.

Samantala, napag-alaman na alas-6:20 ng gabi kamakailan nang umalis umano ang biktima sa pinapasukang Admiral Bay, kung saan ito nagpipintura ng gusali, sa Aldecoa St. Ermita ng naturang lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.