Pintor, Kritikal sa Saksak at Palakol ng Mag-utol

MALUBHANG NASUGATAN ang isang pintor matapos pagtulungan palakulin at pagsasaksakin ng mag-utol na kalugar ng una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa Quezon City General Hospital sanhi ng mga taga at saksak sa katawan si Danilo Gajultos, 47 ng Area A, NPC, Talipapa ng lungsod

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mag-utol na sina Roel at Jesus Olarte, kapwa nasa hustong gulang ng Area B, NPC, Talipapa ng lungsod.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon, naglalakad sa Area B, NPC ang biktima nang lapitan ni Roel na may dalang palakol habang patalim naman ang dala ni Jesus.

Matapos kumprontahin ng mag-utol ang biktima ay agad na pinalakol at pinagsasaksak si Gajultos bago nagsitakas.

Dinala naman ang biktima sa QCGH kung saan inaalam na ang dahilan ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.