Pintor, dinaliri ang ari ng paslit

KULONG ANG ISANG pintor matapos daliriin ang ari ng isang paslit sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Renato Arriola, 54, ng Heroes Del 96 ng lungsod.

Sa pahayag ng neneng edad 6 at kalugar ng biktima, alas-8 ng gabi, kalaro niya sa labas ng kanilang bahay ang ibang bata nang dumating ang suspek at inaya siya sa isang sulok ng kanilang lugar.

Isa mga kalaro ng biktima ang nakakita sa ginagawang pagdaliri ng suspek sa biktima na naging dahilan upang magsumbong ang una sa ina ng bata.

Nang puntahan ang biktima ay inabutan na umiiyak ito na naging dahilan upang tanungin. At nang sabihin ang ginawa ng suspek ay agad na sinamahan ang nene sa barangay at ipadampot si Arriola.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.