PINSAN NI P-NOY, UTAK NG MGA ILIGAL NA PASUGALAN

WALA RAW MAGAWA at pinagtatawanan lamang ang mga elemento ng pulisya pati na ang mga ibang unit ng PNP ng isang nagpapanggap na pinsan daw ng Pangulo ng bansa, at ng isa pa nitong kasamahan na hindi raw sila natatakot sa pagpapatupad ng kanilang mga iligal na pasugalan sa Baguio City at Tuba, Benguet. Ito ang nabatid ng Pinoy Parazzi mula sa mga residente rito at ilang opisyal ng baranggay.

Nabatid na isang nagngangalang Bobby Aquino na umano’y pinsan daw ng Pangulo sa Pampanga at isang Dante Alvarez ang mga namamayagpag ngayon na nagpapasugal ng iligal na Jueteng sa Baguio City, Tuba sa Benguet at sa ibang lugar sa Cordillera Administrative Region.

May basbas na raw sa kanila si Mayor Mauricio Domogan at ang kanilang kongresman na magpasugal na sila ng Jueteng sa mga nabanggit na lugar, kaya malaya na silang nagpapatupad ng mga iligal na hanapbuhay.

Nagpapanggap na pinsan daw umano si Pangulong Aquino ang mga nabanggit na gambling lords kaya hindi sila nagdalawang-salita kay Mayor, at agad na binigyan sila ng basbas na magpasugal ng Jueteng sa mga nabanggit na lugar.

Maging si PNP Regional Director PC/Supt. Villamor Bumanlag ay may go-signal na raw sa kanila na mag-opereyt ng Jueteng kahit na hindi sila pinayagan ni City Director David Lacdan ay wala na silang magawa kundi magbulag-bulagan na lamang sa mga nagaganap na kailigalan sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa mga concerned citizens at mga ilang opisyal ng gobyerno, dapat ipatupad ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo ang sinasabing ‘one strike policy’ sa mga kapulisan laban sa mga nabanggit na opisyal ng PNP.

Ipinagmamalaki pa umano nina Aquino at Alvarez na nahirapan daw silang magkumbinsi sa CIDG officer sa nasabing lungsod kaya natagalan silang magpalaro kapalit lamang daw umano ang wastong kasunduan ng mga ito sa kanilang matatanggap kada kinsenas at katapusan.

Ang mga mamamayan ng Baguio ay nagtataka kung bakit hindi masawata ni Mayor Domogan at hepe ng kapulisan sina Aquino at Alvarez gayung ito ay nahuli na dati ng NBI at panandaliang napahinto. Di tuloy mapigil maisip na baka nga totoong ito ay pinsan ni P-Noy o baka nga totoo ang balitang kaya hanggang NBI ay nagawa nitong patahimikin dahil sa ito ay nakipagsosyuhan sa isa pang malaking gambling lord na kasalukuyang namamayagpag sa iba pang dako ng bansa. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.