Pinsan ni P-Noy, inisnab ang Senado

HINDI NAGPAKITA SI Antonio “Tony Boy” Cojuangco sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y pagkakasangkot ng ilang opisyal ng gobyerno sa iligal na sugal na Jueteng.

Sinabi ni Senador Teofisto Guingona III, chairman ng Senate blue ribbon committee, na nasa labas ng bansa ang pinsan ni President Benigno Aquino, bagama’t nagpadala ito ng sulat na naglalahad ng kanyang 15-minutong pakikipag-usap kay Archbishop Oscar Cruz.
Matatandaang binanggit ni Cruz ang pangalan ni Cojuangco sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo na siyang lumapit sa kanya at sinabihan umano siyang maghinay-hinay sa kanyang Jueteng exposé.
Bagama’t inamin ni Cojuangco na nakipag-usap siya kay Cruz, itinanggi naman niyang pinupuwersa niya ang bishop.
Sinabi ni Guingona na opisyal na inimbitahin sa pagdinig ang mga pinangalanan ng bishop bilang Jueteng operators para makapagpigay ng kanilang panig kaugnay ngt isyu.

Sa pagdinig ng kahapon, tanging ang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Romualdo Quinones ang dumalo. Pinangalanan ni Senador Miriam Defensor-Santiago si Quinones na umano’y tumatanggap ng Jueteng money.

Kabilang din sa mga dumalo sa pagdinig sina Interior Secretary Jesse Robredo at ang bagong talagang PNP chief Raul Bacalzo.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Pinsan ni P-Noy, inisnab ang Senado

  1. Pingback: Lastest Celebrity Gossip News | Latest Celebrity News

  2. Guilty siguro si Tony Boy kaya hindi sumipot. Takot mabuking. Bakit nga naman siya pa ang kumausap kay Archbishop Cruz na lubayan si Puno kung wala siyang kinalaman. Hmmm, the penoy’s relathieves in action.

Leave a Reply

Your email address will not be published.