Pinsan ni Hepe, tiklo sa Shabu

KULONG ANG FIRST cousin ni Dagupan City Police Chief Romeo Caramat, Jr. at ang dalawa pa nitong kasama matapos na mahuli sa isinagawang surveillance operation ng PNP-Dagupan.

Kinilala ang mga suspek na sina Efren Caramat, 24, ng PNR Site, Mayombo; Alex Cervantes, 24, ng Malued District; at Ranillo Fernandez ng Barrera St., Dagupan City.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang supot na may laman na Shabu at ilang Shabu paraphernalia tulad ng improvised toother, lighter, empty plastic sachets, aluminum foil, plastic container, at digital weighing scale.

Sinabi ng opisyal na kahit pinsang-buo niya ang isa sa mga suspek, hindi ito naging rason para pigilan silang hulihin at kasuhan ang mga suspek.

“Para walang alinlangan ang ating mga kababayan dito sa Dagupan na may pinapaburan ako bilang pulis at hepe, gusto kong iparating, no one is untouchable,” pahayag ng opisyal

“Yes he is my first cousin, mahirap mang aminin pero siya ay nagkasala sa batas. Sabi ko nga, when my duty begins, my friendships ends, pati sa kamag-anak kung sila ay nagkasala sa batas,” ayon pa kay Caramat.

Nabatid na sinampahan na sa City Prosecutor’s Office ng kasong paglabag sa Republic Act 9161 (Comprehensive Drugs Act of 2002) ang tatlo. (ROLANDO S. GAMOSO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.