Pinsala sa Tubbataha Reef, Lumawak Pa

PATULOY NA lumalawak ang pinsalang dulot ng sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha Reef.

Sinabi ni Angelique Songco ng Tubbataha Management Office (TMO) na mula sa 1,000 metro kwadradong pinsala na unang itinaya, umabot na ngayon sa 4,000 metro kwadrado ang nasi-rang bahura.

Posible namang lumaki pa ang makikitang pinsala sa oras na maialis na ang nasabing barko.

Ayon kay Lt. Ferdinand Martin, tagapagsalita ng Combined Task Unit Guardian, ginagawa na nila ang lahat ng paraaan para hindi na lumaki ang pinsala sa crane ship.

Dumating na kahapon sa lugar ang crane ship na SMIT Borneo na tutulong sa pagkatay sa barko.

Samantala, una nang tiniyak ng US Navy na babayaran nito ang pinsalang idinulot ng pagsadsad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.