Pinsala Sa Tubbataha Reef, Lalawak Pa

UMABOT NA sa halos kalahating ektarya ang pinsala ng sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha Reef.

Sa katatapos na forum sa University of the Philippines (UP) Diliman kasama ang ilang environmentalist group na Pamalakaya at Gabriela, sinabi ni Dr. Giovanni Tapang ng Task Force Save Tubbataha na maaaring lumawak pa ang 4,500 metro kuwadradong pinsala sa nasabing heritage site dahil sa pagdaan ng Bagyong Crising.

Pinuna rin ng naturang grupo ang pagbayad ng P38-milyong multa ng Amerika para sa pinsala na maliit umano kumpara sa $15-milyong ibinayad ng US Navy sa kahalintulad na kaso sa Hawaii noong taong 2009.

Tinalakay rin sa forum ang magiging epekto ng pinsala sa produksyon ng isda na aabot sa 150-tonelada, na batay sa mga pag-aaral ay nagmumula sa bawat 100 ektarya ng Tubbataha Reef.

Samantala, inirekomenda ring pagtapos nang tanggalin ang barko, pansamantalang ipatupad ang closed season o pagbabawal ng diving sa reef site para mapabilis ang recovery ng mga ito.

Lumagda naman ang mga lumahok sa isang Declaration of Unity sa kasunduang iligtas ang Tubbataha at papanagutin ang pamahalaan ng Amerika at pagsusulong ng pagbasura sa Visiting Forces Agreeement (VFA).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “Pinsala Sa Tubbataha Reef, Lalawak Pa

Leave a Reply

Your email address will not be published.