Pinoy Workers sa Taiwan, Bawal Lumabas sa Opisina

HINDI PINAPALABAS ngayon sa kanilang mga tanggapan o opisina ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan kaugnay ng tensyon sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Taiwan kasunod ng pagkakapatay sa isang Taiwanese fisherman.

Ayon sa isa sa mga Pinoy worker na nakabase ngayon sa Taipei, nagpalabas ng direktiba ang mga kumpanya sa kanilang kinaroroonan na pansamatalang pagbabawal ng kanilang mga employer sa mga Pilipino roon na lumabas ng kanilang opisina.

Mataas pa rin daw kasi ang tensyon bunsod ng sinapit ng mangingisdang Taiwanese na napatay rito sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, maayos naman aniya ang kanilang kalagayan doon kaya walang dapat ikabahala ang kanilang mga kamag-anak na narito sa Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.