Pinoy Troop, Mananatili sa Scarborough

WALANG BALAK ang Pilipinas na paalisin ang tropa mula sa pinagtatalunang isla partikular sa Bajo de Masinloc sa kabila ng hirit ng Chinese government.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, malinaw namang pag-aari o teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc o Sacarborough Shoal kaya nararapat lamang na panindigan ang soberenya sa isla.

Samantala, nasabi na rin daw ng Secretary of Foreign Affairs na umuusad na ang territorial dispute ng bansa sa Arbitral Tribunal kaya hintayin na lamang ang kanilang desisyon.

“Ano po ‘yung sa atin naman po… The Secretary of Foreign Affairs said we’ve already filed the case before the Arbitral Tribunal and we are waiting for the development on that. And of course, ano ho ba ‘yung katayuan natin pagdating doon sa Bajo de Masinloc? Ay ‘yan po ay atin. And we will continue to exercise sovereignty over our territory,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.