Pinoy soap noon at ngayon, ano’ng pinagkaiba?

ANG SOAP OPERA, ang dugong dumadaloy sa telebisyong Pinoy. Manginginig tayong mga Pilipino na parang adik kung hindi tayo makapanood nito with matching umpog pa ng ulo sa pader. Kahit gaano tayo kainis sa mga kontrabida ng mga soap opera o sa sandamakmak na TV ads nito, hindi natin ito maiaalis sa ating sistema.

Paano nga ba nagsimula ang mga soap operas?

Ang soap operas, nagsimula ‘yan sa radio stations. Kung alam n’yo ‘yung mga drama sa radyo, sila ‘yun. Sponsored ito noon ng Procter & Gamble at saka ng Colgate-Palmolive at targeted pa sa female audience kaya naman tinawag itong “soap” opera. Usually, hapon ipinapalabas dahil ‘yun ang oras na nandu’n nagpapahinga ang mga housewife at pati ng mga chimi-a-a. Hanggang sa maglaon, napadpad na ito sa ating primetime.

Huwag na kayong magreklamo kung two minutes lang ng actual na palabas ang napapanood niyo at the rest ng 28 minutes (or 58 minutes) ay puro commercial. Gaya nga ng origin nito, sponsored ng advertisers ang mga teleseryeng kinagigiliwan n’yo. Anumang boycott o pagsumpa n’yo sa products ng advertisers, hindi n’yo mapipigilan na tambakan ng sandamakmak na ads ang paborito n’yong mga nakabobong TV series nina Richard Gutierrez at Sam Milby.

Unang sumikat sa TV soap operas sina Julie Vega para sa Anna Liza at Janice de Belen sa Flor de Luna. Late 80’s din unang nagkaroon ng teleserye ang dakilang Judy Ann Santos, siya si Ula: Ang Batang Gubat. Medyo hindi pumatok ang Ula pero early 90’s muling bumalik ang arousal ng mga telenovela. Ipinagpaliban na ng mga kasambahay at housewives ang pagsi-siesta at pag-iisip ng meryenda. Inantabayanan ng marami ang Mara Clara.

Ang Mara Clara na nga yata ang pioneer at basis ng mga current teleserye ngayon. Ang Mara Clara ang nagsimula ng mga kuwentong nagkaroon ng baby switching, catfights ng mga lead actress, sumasabog na sasakyan, malditang nanay, nagka-amnesiang boylet, mga bobitang sidekick, kontrabidang may hundred lives, bidang ambisyosa at kung anu-ano pa sa current telenovelas ngayon. Paanong hindi ko ba malalaman iyan, seven years ba namang nakikita ko sa TV sina Gladys Reyes at Judy Ann. Nagsimula sila sa hapon (kasabayan pa nga yata ang Anna Luna) hanggang malipat sila sa primetime. Sa Mara Clara na nga lumaki ang dalawang ‘yan.

Tapos ‘yun, nalipat na nga ang bigating soap operas sa primetime slots. Unti-unti na ring nasira ang regular na oras ng TV programs dahil dito. Kung dati 7pm sinasabi ang simula ng nasabing teleserye, ngayon hindi na nila ginagawa iyon. Bagkus, sasabihin lang ‘pagkatapos ng 24 Oras/ TV Patrol World.’ Kasalanan ng advertisers ‘yun dahil lahat ng TV ads nila, pilit na isinisiksik sa 30-minute slot ng mga teleserye. Buti nga’t hindi na rin tumatagal ng seven years bago matapos ang isang teleserye ngayon. Minsan three months or 1 season na lang kapag hindi maganda ang ratings, pero bubuhayin na lang nila muli ang patay kapag gusto ng network na i-extend ito.

Nagbago man ang timeslot, ang mga bida, at ang haba ng mga teleserye ngayon, wala pa ring kakuwenta-kuwenta ang istorya nito. Madalas, malala pa.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Pinoy soap noon at ngayon, ano’ng pinagkaiba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.