Pinoy seamen na dinukot sa Oman, nakabalik na sa bansa

NAKABALIK NA SA Pilipinas ang 10 tripulanteng Pinoy matapos maging bihag ng mga pirata sa Oman sa loob ng pitong buwan.

Batay sa report, alas-9 kahapon ng umaga nang dumating ang mga nasabing binihag na Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Qatar Airways QR-648 flight.

Nasa mabuting kundisyon naman ang pisikal na pangangatawan ng mga pinalayang bihag, ayon kay Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez.

Una rito, inabisuhan ng DFA ang pamilya ng mga ito ukol sa paglaya ng kanilang mga mahal sa buhay at makasama sa araw ng Pasko.

Ang 10 Pinoy ay kabi-lang sa 23 tripulante ng hinaydyak na cargo vessel na MV Dover sa Arabian Sea.

Sinasabing pinalaya ang mga crew ng MV Dover dahil nagbayad umano ito ng $3.8 milyon dolyar na ransom sa mga pirata.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.