Pinoy sa Taiwan, Hinataw ng Bakal

ISA PANG Pilipino sa Taiwan ang nabiktima ng pananakit ng mga galit na Taiwanese.

Ayon sa salaysay ng Pinoy machine operator sa Taiwan, papasok siya ng trabaho nang may dalawang Taiwanese na naka-motorsiklo ang biglang pumalo sa kanyang mukha ng steel bar.

Hindi naman nito tiyak kung ang pag-atake sa kanya ay dulot ng tensyon sa namatay na Taiwanese fisherman.

Aminado ang biktima na nagkalat ang mga gangster sa lugar na una nang tinutukan ng mga awtoridad doon at napaulat pang umatake sa dormitoryo ng mga Pinoy sa Katimugang Taiwan.

Nagpapagaling naman na aniya siya at pabalik nang muli sa trabaho.

Samantala, mabait naman aniya ang mga Taiwanese police nang ini-report niya ang nasabing insidente sa mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.