Pinoy Nurses, Kailangan na sa Germany

BUBUKSAN NA ng Germany ang oportunidad para sa Filipino nurses.

Base sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakipag-usap na si Philippine Ambassador to Germany Maria Cleofe Natividad sa mga opisyal ng Federal Employment Agency at International Placement Services sa Bonn para plantsahin ang deployment ng mga Pinoy nurses.

Tutulak naman sa bansa ang Minister for Labour ng Germany para saksihan ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng mga kinatawan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ng naturang placement services sa Germany para sa pagpapadala roon ng Pinoy nurses.

Samantala, sakop ng nasabing kasunduan na mabigyan ng sapat na linguistic at professional preparation ang mga Pinoy na gustong makapagtrabaho sa mga pa-gamutan sa Germany.

Sasagutin naman ng iba’t ibang labour agency roon ang gastos para maihanda ang Filipino nurses sa ilalim ng triple win formula kung saan magkakaroon ng integration ang mga nurses sa German labour market at social environment ng nabanggit na bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.