Pinoy Nurse, Binoga sa Tate

ISANG PINOY nurse ang kinumpirmang nabaril at nasawi sa harap ng kanyang apartment sa Estados Unidos.

Base sa ulat ng Emba¬hada ng Pilipinas sa Wa¬shington D.C. sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang nasabing biktima na si Erano Santos, 33-anyos, tubong Angeles City, Pampanga.

Nabatid na nasawi si Santos bunga ng tama ng bala matapos na barilin ng hindi pa kilalang suspek sa labas ng kanyang apartment sa Memphis, USA noong Hulyo 22 .

Sinabi ng Embahada na patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang Memphis Police upang maa-resto ang responsable sa pamamaril sa naturang Pinoy nurse.

Lumalabas sa ulat, nakitang may kasagutan at kaaway si Santos na hindi kilalang lalaki at saka siya binaril at tina-ngay pa umano ang kanyang sasakyan sa labas ng kanyang bahay.

Si Santos ay nag-migrate umano sa Estados Unidos noong nakalipas na taon at dating clinical ins¬tructor sa College of Nursing ng Holy Angel University.

Samantala, tinutulungan na ng mga opisyales ng Embahada ang pamilya ng namatay na biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.