Pinoy, Nanalo ng 2 Photography Award sa Czech Republic

 

ISANG FILIPINO photographer ang nanalo ng dalawang award mula sa Wikimedia Czech Republic. Patunay umano ito na kayang makipagsabayan ng talento ng Pinoy sa mga interantional standard, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Miyerkules.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the Czech Republic Evelyn Austria-Garcia na kasama ni Carmelo Bayarcal ang isang French at isang Russian sa pagtanggap ng award, kung saan ang kanilang mga nagwaging litrato ay malalathala sa mg publikasyon sa buong mundo.

“Mr. Bayarcal’s photos of monuments, one of which captured the Czech Republic’s Astronomical Clock on Old Town Square, were chosen from among over thousands of photos received by Wikimedia Czeska from foreign entrants all over the world,” ani Garcia.

Si Garcia ang tumanggap ng mga award para kay Bayarcal sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Czech Technical University noong Sabado.

Pinasalamatan ng ambassador ang Wikimedia Ceska Republika sa pagkilalang iginawad sa talento ni Bayarcal, at idiniing ang nasabing award ay hindi lang karangalan para sa nasabing photographer, kundi para na rin sa buong Pilipinas.

Ito ang kauna-unanag pagkakataon na pinaralangan ng Wikimedia Ceska Republika ang isang Pilipino, dagdag pa niya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Pinoy, Nanalo ng 2 Photography Award sa Czech Republic

  1. Pingback: Pinoy, Nanalo ng 2 Photography Award sa Czech Republic | WorldTopStories.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.