Pinoy na namatay dahil sa MERS sa UAE, bineberipika

PATULOY NA biniberipika ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sinasabing pagkamatay ng isang Pinoy paramedic sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa MERS coronavirus.

Base sa text message ng tagapagsalita ng DFA na si Charles Jose, inihayag nitong nagpadala na ng mga tauhan ang embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi na siyang makikipag-ugnayan sa pagamutan kung saan sinasabing namatay ang Pilipinong paramedic.

Kinumpirma na rin ng ahensiya na lima pang Pinoy paramedic ang naka-quarantine na sa suspetsang infected din ang mga ito ng MERS coronavirus.

Sinabi naman ng UAE Interior Ministry na nadiskubreng nahawa ang mga Pinoy na pawang ambulance paramedics nang magsagawa ng periodic medical examinations.

Naka-isolate na ang mga nahawang Pinoy at nakikipag-ugnayan na rin ang ministry sa mga naging pasyente ng Flipino workers bilang bahagi ng precautionary measure.

Bago ang nasabing kaso ng mga Pinoy, may naireport  nang dalawang nasawi at siyam na nahawa ng MERS sa nakaraang linggo.

Una nang binanggit ng World Health Organization (WHO) na inaatake ng MERS coronavirus ang respiratory system at kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat na posibleng mauwi sa pneumonia at kidney failure.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.