Pinoy male models in Macau as prostitutes

Merese
by Dinno Erece

ISA SA DAHILAN kung bakit kami sumama sa Hong Kong this weekend ay para makapag-day trip sa Macau. Balitang-balita na kasi na ang halos lahat ng nawawala rito ngayon sa Pilipinas na male models and sexy actors, doon na nagta-trabaho. Tama nga dahil sa Plaza Sto. Domingo pa lang, ang dami nang cute Pinoy guys ang nadaanan namin, all fit and looking you know what we mean.

Nakakatawa pa na ang Saturday newspaper sa Hong Kong, front page at headline ang ‘US warns on wave of foreign male prostitutes’ kung saan specified ang Filipino kung saan ginagawa raw transit point ang Hong Kong at Macau naman ang destination point. Basta kung magpi-ferry lang kayo from Hong Kong to Macau, walking distance na lang sa terminal ang bar kung saan niyo sila mapapanood.

Sayang hindi namin nakamusta sina Johnron Tanada et al.

SPEAKING OF SUCH works, look-alike lang ni Lester Llansang ang sinasabing male stripper.

Sabado ng gabi, sumalubong sa amin ang balitang isang former child actor daw ang nagsasayaw na lang sa isang bar so nagtanong-tanong kami agad kung sino ito. Si Lester nga raw, dating alaga ni Ms. Becky Aguila, ang tinutukoy na i-expose. Nakausap agad namin ang staff ng Showbiz Central na maglalabas nito which was yesterday to get the inside stuff and it wasn’t Lester nga.

Nagsalita pa rin kahapon si Lester sa isang taped interview pero para klaruhin ang pangalan niyang hindi nga siya ang male stripper na tinutukoy. Look-alike lang ito ng bagets. Lester doesn’t mind dahil hindi nga totoo. Pero siyempre gusto niyang linisin ang pangalan niya na hindi niya naman daw ito gagawin para magkapera lang.

Private life na si Lester dahil matagal na namin siyang hindi napapanood.

ISA NANG HONG KONG permanent resident si Eric Quizon.

Met with one of our favorite directors way back from Narito Ang Puso Ko Days pa lang. Sa Hong Kong na kasi siya naka-base working for an events company Spring Time Stage Production. The same production ang magpu-produce ng Dolphy at 80 Live In Hong Kong, the king of comedy’s first show in Hong Kong after more than 50 years, this April 19 sa Hong Kong Coliseum.

Ngayon, kahit doon na siya nakatira, can’t resist the offer pa rin ng GMA na maging part ng upcoming All About Eve playing Mark Anthony Fernandez’ father. Ang soap ang nag-work around Eric’s schedule so Monday night until Friday morning, nasa Pilipinas siya to tape the show and the rest of the week, sa Hong Kong siya working. This week nga lang, nag-request siya sa dami niyang trabaho roon na huwag munang umuwi.

At pinagbigyan pa rin siya.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.