Pinoy, Kalaboso sa Pagpupuslit ng Droga mula NoKor Patungong US

ARESTADO ANG isang Pinoy at apat na iba pa sa Thailand, dahil umano sa tangka ng mga itong pagpuslit ng iligal na droga mula North Korea patungong Amerika.

Ang nasabing pag-aresto sa mga salarin ay kasunod ng pagbenta ng dalawa sa mga ito ng 100 kilo ng Shabu sa mga agent ng US Drug Enforcement Administration.

Sinabi ng mga kinauukulan sa Estados Unidos na ang hindi pinangalanang Pinoy at kasamang Chinese ay kasapi ng isang sindikatong grupo na nakabase sa Hong Kong.

Isa sa mga suspek ay sinabing ang kanyang grupo ang tanging pinapayagan ng North Korea na makakuha ng supply ng Shabu mula sa naturang bansa.

Nakadetine na sa Amerika ang limang akusado kasama ang Pinoy at sinampahan na ng kaukulang kaso.

Samantala, kapag nahatulang guilty, maaaring makulong ng hanggang 10 taon ang mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.