Pinoy Exodus Abroad, Sapat na Trabaho, Solusyon

IGINIIT NINA Senators Cynthia Villar at Sonny Angara ang kahalagahan ng sapat na trabaho at pagkakakitaan sa Pilipinas upang hindi na mangibang bansa o mag-exodus ang mga kababayan na ang ilan ay napapahamak.

Tulad na lamang umano sa naganap sa isang Pinay na binitay sa China dahil sa pagbyahe ng iligal na droga, maliban pa ang mga nabibiktima ng karahasan at pang-aabuso sa Gitnang Silangan.

Ito rin ang inihayag ni Angara na aniya’y hindi na mauulit ang kapahamakang sinapit ng mga kababayan sa ibayong dagat kung mayroong sapat na pagkakakitaan sa bansa kaya’t kaila-ngan aniya na magtulungan para sa mga job opportunity.

Hinimok naman ni Angara ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na tutukan ang sitwasyon ng pamilya nang binitay na kababayan dahil maaaring kailangan nila ng tulong.

Kapwa nagpaabot naman ng pakikiramay sina Villar at Angara sa pamilya ng sina-wingpalad na kababayan.

“We offer our condolences and prayers to the family of our kababayan executed in China,” ani Angara.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.