Pinoy boxers, Panalo sa Pacquiao-Marquez teaser

NAGPAMALAS NG MAGANDANG performance ang dalawang Filipino boxers na kasama sa hanay ng mga featured undercard events ng Manny Pacquiao versus Juan Manuel Marquez sa MGM Grand, Las Vegas.

Una rito, nagtala ng panalo via unanimous decision si Fernando Lumacad (25-3-3, 11 KO) sa kanyang junior bantamweight fight kontra kay Joseph Rios (10-6-2, 4 KO).

Dalawang beses na napabagsak ni Lumacad ang kalaban sa rounds 2 at 5 para makuha ang 77-73, 77-74 at 78-72 na iskor sa cards.

Maliban dito, panalo rin ang Filipino veteran na si Dennis Laurente (40-4-5, 21 KO) kontra sa Ghanaian fighter na si Ayi Bruce (20-4, 12 KO).

Ang 34-anyos na si Laurente ay lumaki sa Butuan City.

Tumagal lamang ng Round 7 ang laban matapos pabagsakin ni Laurente si Bruce sa isang malakas na straight left. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.