Pinoy Big Brother, lipat-Singko na rin next year?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Maloloka ka talaga sa Earth!!! Mapapa-yes ka kaya sa mga chikka ko, o mapapa-no ka?! Don’t make your Monday a blue Monday at nakakaloka talaga itong issue kay Manny Pacquiao at Jinkee na hindi talaga matapus-tapos ang intriga.

Ilang linggo na ngang pinag-uusapan dahil hindi talaga matigil ang mga eksena nilang dalawa kung hindi sila mananahimik, dahil sila mismo ang sumisira sa career nilang mag-asawa at talagang pinangangalandakan nila ang kasiraan nilang dalawa. Kumusta naman kaya ‘yun?

At heto pa, ayaw rin naman ipa-DNA test ni Jinkee ang natsismis na anak ni Manny. Nakakaloka naman talaga! Kung ako sa kanya, kung talagang matapang siya ay ipapa-DNA test niya talaga ‘yun at talagang tatanggapin niya, dahil sinabi nga niya at ipinagsigawan niya sa madlang people na suwerte siya at siya ang original, hindi kabit.

Paano naman kung natuluyan nang magkalabuan kayong dalawang mag-asawa, kawawa ka naman. Dahil wala ka nang pamparetoke. Kaya kung ako sa ‘yo, ‘te… magpapakatotoo na lang ako… dahil ikaw pa rin ang asawa.

 

AT HETO PA ang pinakamatinding isyu at nakakaloka, na ang Pinoy Big Brother ay lilipat na sa Singko. Ano ‘yun, lahat na lang ay nasa Singko na next year? Dahil nga hindi na raw si Toni Gonzaga ang magho-host next year, si Mariel Rodriguez na raw, ‘di ba?

At nakakaloka naman talaga ang mga eksena nila or p’wede nating sabihing press release lang ang mga eksena nila para pag-usapan ang nalalapit na episode na Pinoy Big Brother.

 

BLIND ITEM: SINO siya? Sino naman kaya itong TV host sa isang sikat na network na may nakakita sa kanya na isinakay niya ang kanyang dalawang co-host? Kasi naman nakakaloka, nasa isang sasakyan daw ang mga merlat, tapos ‘yung isang TV host, pinasakay sila ng ombre. Saan naman kaya sila pupunta?

Nakakaloka ‘yan, huh! It means babaero pala talaga ang ombre na ‘yan?!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “Pinoy Big Brother, lipat-Singko na rin next year?!

  1. Nkakatawa nmn tong article na ito.pbb lilipat n sa tv5, ganun b un kadali katanga nmn ng writer n ito.my maisulat lng.sunod na article ni swarding “abs-cbn lilipat na sa singko”.hahaha

  2. BOBONG SWARDING TOH, TINGIN MO KAYA PAPAYAG ANG ABS NA ILILIPAT ANG ISA SA MGA BEMEBENTANG SHOWS NILA?? TANGA TANGA! PINAGMAMALAKI MO PANG 40 YEARS KA NA SA BUSINESS NA TOH EE MGA SINUSULAT MO MGA WALANG KWENTA AT PURO KABOBOHAN!!!!!!!!!!!!!!

  3. Swarding, PBB is a franchise na hindi basta basta naililipat. Do your research. Medyo siguro kailangan na nating uminom ng brain vitamins.

  4. Kahit walang katorya-torya ang blind item mo BAKLA and hula ko si Bosing Vic yon at ang isinakay ay sina JC at IC. Wala namang masama doon. BAKLA ! kung magbi-bigay ka ng BI ayosin mo naman! BAKLA !

  5. Pingback: Pinoy Big Brother, lipat-Singko na rin next year?! - Pinoy Big Brother

Leave a Reply

Your email address will not be published.