Pinipigilan lang ng pamilya Albie Casiño, gusto nang makipag-ayos kay Andi Eigenmann?!

NAKA-MOVE ON NA nga si Andi Eigenmann sa controversial issue na kinaharap niya dahil sa kanyang pagbubuntis. Happy siya ngayon dahil sa suportang ibinibigay ng pamilya. Buong-tapang niyang hinarap ang hamon ng buhay, ang pagi-ging dalagang ina. Hanggang ngayon, hindi pa rin inaamin ni Albie Casiño na siya ang ama ng dinadala ni Andi.

Hindi man inamin ni Andi sa entertainment press na si Albie ang nakabuntis sa kanya, pero sa personal blog at Twitter, sinabi nito na ang young actor ang ama ng kanyang pinagbubuntis. Kahit six months pregnant na ang young actress, tuloy pa rin ang pagrampa sa mga social gathering. Inaaliw ang sarili para kalimutan  ang nangyari sa kanya.

Ayon sa malalapit na kaibigan ni Albie, usap-usapan ngayon na gusto na raw maki-pag-ayos ni Albie kay Andi. Ang pamilya lang ng binata ang diumano nagiging hadlang para ma-ging maayos na ang lahat. Hindi raw boto ang mommy ni Albie kay Andi. Pinalalabas pa raw ng mga ito pilit na sinisiraan sila ng pamilya Eigenmann. Maraming intriga ang ibinabato ngayon kay Albie na galing daw sa kampo ni Andi, pati mga negative write-ups, sila ang pinagbibintangan.

Agad namang nilinaw ni Jaclyn Jose na never na ni-lang pinag-usapan pa si Albie. Huwag naman daw ibintang sa kanila kung anuman ‘yung hindi magandang naisusulat sa kanilang anak. Happy na sila sa takbo ng buhay ni Andi. Tanggap na raw ng anak niya ang pagiging dalagang ina.

“Kung nangyari man ito kay Andi, tanggap na namin at wala kaming sinisisi sa pangyayari. I’m happy dahil na-ging matapang ang anak ko harapin ang problema,” say ni Mommy Jacklyn.

 

NAKAKALOKA ANG DRAMA ni Roxanne Guinoo. Pagkatapos nitong magpa-interview sa isang glossy magazine, bigla na lang pinapa-cancel ang nasabing article. To think na ang Star Magic Talent Center pa raw ang nag-reguest sa nasabing publication na kung puwedeng pa-interview ang kanilang alaga. Buong-puso namang pinagbigyan ang kani-lang request. Nag-set ng meeting at maayos naman ang itinakbo ng pag-uusap ng writer at ni Ro-xanne.

Nang magawa ng writer ang write-up kay Roxanne, pinabasa ang article na kanyang ginawa sa dating aktres na lalabas this September. May portion lang sa article na gustong ipatanggal si Ro-xanne, kung saan sila nagkakilala ng kanyang husband. Agad namang pinagbigyan ang kahilingan ng aktres at buong-ningning na inayos ng writer ang kanyang sinulat. Maayos naman ang naging pag-uusap nina Roxanne, SMTC at ng publication.

Ayon sa aming source, bigla na lang daw tumawag ang Star Magic Talent Center sa editor ng glossy magazine at nakikiusap na huwag na lang daw ilabas ang three pages article ni Roxanne. Ikinabaliw raw ng entertainment editor ang pangyayaring ‘yun. Deadline pa naman nila at mabubutasan sila ng tatlong pahina. Nataranta raw ang editor, hindi ganoon kadali para maghanap ng panakip-butas kung sakaling ipagpilitan ni Ro-xanne na huwag nang ilabas ang kanyang article. Nang makausap nila ang aktres, okey naman ito. Pero nang tumalikod na, iba na ang naging drama ng dating aktres.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

2 thoughts on “Pinipigilan lang ng pamilya Albie Casiño, gusto nang makipag-ayos kay Andi Eigenmann?!

  1. Pingback: Could this be true? Or the young actor just wanted good publicity after everythi… - Andi Eigenmann

  2. stopping calling her an actress because she was never an actress. roxanne guinoo, bakit kasi pinag aksayahan pa ng oras at magazine pages pra ifeature pa ang wala namang career na starlet na yan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.