Pinilit na Pakasalan ang Nabuntis na Pinsan: Binata, Nagtangkang Magpatiwakal

NAGTANGKANG MAG-SUICIDE ang isang lalaki makaraan umanong piliting ipakasal sa kanyang pinsang nabuntis na may diperensya sa pag-iisip sa Barangay Cabugao, Altavas, Aklan.

Naisalba pa ang buhay ng 20-anyos na lalaking tumangging magpabanggit ng pangalan matapos agad naisugod sa Aklan Provincial Hospital.

Batay sa ulat ng Altavas PNP Station, uminom ng lason sa daga ang biktima na inihalo nito sa sabaw ng niyog sa loob ng kanilang bahay.

Naabutan ito ng kanyang kaanak na bumubula ang bibig at nangingisay.

Sinasabing pinipilit ang biktima ng kanyang kaanak na pakasalan ang 24-anyos na nabuntis na pinsan ngunit ayaw ng kelot dahil sa kondisyon ng babae.

Samantala, ang biktima ay nananatiling naka-confine sa nasabing pagamutan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.