Ping, Tinanggap ang Alok na Posisyon ni P-Noy

INAASAHAN NA umano ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na dadami ang kanyang makakalaban sa bagong posisyong alok ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa kanya pagkatapos ng termino niya sa pagka-senador.

Kinumpirma ng senador na nakapag-usap na sila ng pangulo at tinanggap na niya ang magiging bagong trabaho pagsapit ng Hulyo.

Gayunman, tumanggi naman si Lacson na banggitin sa media ang posisyon at inilarawan lamang ito na exciting, very interesting at bago.

“Nag-usap kami actually but I’m not at liberty to detail much kung ano ‘yung usapan namin kasi it has to be between the two of us,” ani Lacson.

Samantala, una nang inihayag ng Pangulong Aquino na posibleng magkaroon ng “general role” si Lacson sa kanyang gabinete.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.