Ping, ‘No-Nonsense’ – PNoy

MISMONG SI Pangulong Noynoy Aquino III na ng nagpaliwanag sa kanyang pagpili kay dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson bilang rehabilitation czar.

Inihayag ng punong ehekutibo sa taunang Christmas party ng media group na malapit sa administrasyon na pangunahin sa kuwalipikasyon ang pagiging “no-nonsense” o seryoso nito sa trabaho.

Sinabi ni Pangulong Aquino na tiyak siyang magkakaroon ng resulta at makakamit ang nakasaad sa master plan sa pamumuno ni Lacson.

Aasahan din daw ng pangulo kay Lacson ang patas na pagkakagastos ng pondo lalo na ang mga foreign aide.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.