Ping: Miriam, Nagtatago sa Immunity By Insanity

LALONG UMINIT ang personalan at bangayan sa pagitan nina Sen. Ping Lacson at Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Matatandaan na kamakailan ay tinawag ni Santiago si Lacson bilang “Pinky” at marami pa itong mga ibubulgar daw na kasalanan ng senador sa pagbabalik ng sesyon ng Senado kung saan wala umano siyang takot sa pagsisiwalat nito dahil mayroon siyang parliamentary immunity hindi tulad ni Ping na matatapos na ang termino sa darating na Hunyo.

Kahapon ay binuweltahan naman ni Lacson si Santiago sa pagsasabing nagtatago lamang ang mambabatas sa kanyang “immunity by insanity”.

Hindi rin umano absolute ang parliamentary immunity dahil maaari pa rin siyang sampahan ng kaso kung walang kinalaman sa legislations ang mga ibinubulgar sa plenary.

Muling binigyang-diin ng senador na hindi siya bading at lalong walang siyang balak na maging bakla.

“Uso naman ang aminan ngayon, kung totoo ay bakit hindi ko aminin. Kung bakla ako ay baka wala nang macho sa mundo,” ani Lacson.

Kinumpirma pa ni Lacson na isinumite na nito sa Ombudsman ang ilang dokumento na may kinalaman sa paggamit ng senadora ng pondo ng Senado para sa kanyang personal interest tulad ng pag-upa ng sariling gusali at pasahod sa kanyang kasambahay.

Samantala, nagbanta pa si Lacson na magpa-patuloy pa rin ang paghahanap nito ng karagdagang ebidensiya kaugnay ng isyu ng korapsyon laban kay Santiago.

Maaalala na nag-ugat ang iringan sa pagitan nina Lacson at Santiago nang kuwestyunin ng minorya sa Senado ang kontrobersiyal na pamumudmod ng cash gift ni Senate President Juan Ponce Enrile sa mga kaalyadong senador.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.