Ping, Itatalaga sa Gabinete ni P-Noy

NAGPAHIWATIG ANG Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na nalalapit na nitong italaga si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson sa kanyang gabinete.

Sa kanyang talumpati sa Cavite, sinabi ng Pangulon na matapos si DoTC Sec. Jun Abaya, sunod naman nitong hihiramin ang isa pang Kabitenyo na si Sen. Lacson.

Sinabi pa ng Pangulong Aquino na wala siyang pagsisisi sa mga kinukuhang opisyal mula sa Cavite na subok na raw sa serbisyo.

“Ngayon, kung mayroon man pong isang probinsiya sa Pilipinas na talagang bukal ng mga magagaling at matitinong pinuno, si-guro isa na po sa nangunguna ang Cavite. Nangunguna po siyempre diyan si Manong Ayong Maliksi. Tutal naman papakapal na ho ako ngayon. Humihingi ako ng suporta sa inyo. Hiniram ko na ho si Jun Abaya; susunod ho si Ping Lacson. Si Manong Ayong ho, hindi ko muna hihiramin sa inyo,” ayon sa Pangulo.

Si Lacson ay una nang napabalitang itatalaga sa gabinete bilang anti-crime czar o anumang posisyong may kinalaman sa background bilang dating chief PNP.

Matatandaan na noong admistrasyong Estrada, hinawakan din ni Lacson ang pagiging PAOCTF chief.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

6 thoughts on “Ping, Itatalaga sa Gabinete ni P-Noy

  1. Undeniably imagine that which you stated. Your favorite justification
    seemed to be on the net the simplest factor to take into accout of.
    I say to you, I certainly get annoyed at the same time as other folks consider issues that they plainly do not recognise about.
    You managed to hit the nail upon the top and defined out the whole thing with no need side-effects ,
    other people can take a signal. Will probably be again
    to get more. Thanks

  2. Write more, thats all I have to say. Literally, it seems as though you relied on the video to
    make your point. You definitely know what youre talking about, why
    throw away your intelligence on just posting videos to your blog when you could be giving us something enlightening to read?

  3. MERONG TRICK DITO. KANINO KAYANG ATTENTION ANG GUSTO NITONG KUNIN? HAHAHAHAHA. ESEP-ESEP. NAPAKA-CHEAP!

Leave a Reply

Your email address will not be published.