Ping at Pia, nakinabang din sa DAP

LUMABAS DIN sa hearing kamakailan sa Senado na ma¬ging sina dating Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senator Pia Cayetano ay nagkaroon din ng pondo sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Inamin ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Mario Montejo sa budget hearing sa Senado na nabigyan sila ng pondo mula sa DAP nina Cayetano at Lacson na nagkakahalaga ng P40 milyon.

Ang P30 milyon umano ay mula sa DAP ni Lacson samantalang P10 milyon naman ang kay Cayetano.

Ang naturang pondo umano ng dalawang mambabatas ay ginamit ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) para mag-develop ng “complementary baby food” para labanan ang malnutrisyon sa bansa at suportahan ang breastfeeding program ng pamahalaan.

Ayon kay Montejo, suportado ni Lacson ang kanilang programa para sa pag-develop ng baby food.

“Si Senator Lacson was very supportive of the complementary baby food. It’s not really a feeding program. It’s field testing. We measure kung ano ba talaga ang effect, kung ito ba ay dapat i-roll out talaga,” ani Montejo.

Sa isang text message, sinabi naman ni Lacson na hindi niya alam na ang nabanggit na pondo ay inilagay sa ilalim ng DAP.

Puwede aniyang ang pondong ipinalabas para sa DOST ay inilagay ng pondo sa plenaryo.

Samantala, isa si Lacson sa mga mambabatas na hindi tumanggap ng kanyang pork barrel noong kasapi pa ito ng Mataas na Kapulungan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.