Pinay, sugatan sa pagsabog sa Lebanon

ISANG PINAY household service worker ang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Iranian Cultural Center At European Exhibition Center sa southern Beirut, Lebanon, kamakailan.

Kinilala ang nasabing biktima na si Teresa Dorado. Alas-9:00 ng umaga nang sumabog ang isang Mercedes Benz sa labas ng Iranian Cultural Center at isang BMW naman malapit sa European Exhibition Center at bahay ng amo ni Dorado.

11 ang nasawi habang 128 ang nasugatan kabilang si Dorado na agad na isinugod sa pagamutan.

Nagtamo ng mga sugat sa leeg, kamay at iba pang parte ng katawan ang biktima. Hirap din siyang maglakad dahil maga ang kanyang paa.

Simula Hulyo 2013, higit sa 10 suicide bombings na ang nangyari sa nasabing bansa.

Sa pagpasok ng taong ito, halos linggo-linggo na ang pambobomba, karamihan nito nakasentro sa Muslim areas ng South Beirut.

Tulad ng sa pambo-bomba sa Iranian Embassy noong nakaraang Nobyembre, inamin sa Twitter at YouTube ng Abdullah Azzam Brigades, isang grupo ng Sunni jihadists na may koneksyon sa Al-qaeda, na sila ang nasa likod ng pambobomba.

Hindi raw sila titigil hanggang hindi umuurong ang Hezbollah, isang militanteng grupo sa Lebanon, sa pagtulong kay Presidente Bashar Al-Assad ng Syria.

Paniwala naman ng i-lang opisyal sa naturang bansa, ang pambobomba ay gawain din umano ito ng mga terorista kontra sa bagong pamahalaan ng bansa na binuo nitong lamang Pebrero 15.

Hinikayat din ni Prime Minister Tammam Salam at iba pang mga opisyal na magkaisa ang buong bansa laban sa terorismo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.