Pinay, sugatan sa pagsabog sa Brunei

ISANG FILIPINA ANG napaulat na nasugatan nang magkaroon ng explosion sa kanyang tinitirhang apartment sa Sultanate of Brunei.

Ayon sa sketchy report, nagkaroon umano ng gas leak sa gusali na tinitirhan ng hindi pinangalanang Pinay sa distrito ng Kuala Belait.

Sa pagsusuri, 25% ng katawan ng biktima ang nagtamo ng paso.

Pinaniniwalaan ng mga otoridad na nagluluto ang naturang Filipina nang maganap ang insidente.

Bagama’t matindi ang pinsala, nagawa pa umano nitong makalabas sa gusali para humingi ng saklolo. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.