Pinay, na-gang rape sa Papua New Guinea

NAKIKIPAG-UGNAYAN NA ang embahada ng Pilipinas sa Port Moresby, Pa-pua New Guinea kaugnay sa ulat na isang Pinay ang umano’y pinagtulungang pagsamantalahan ng may 10 armadong lalaki.

Una rito, lumabas ang report na kasama umano ng kababayan ang isang Australian national na kinilalang si Robert Purdy, nang harangin sila ng mga salarin sa Mount Hagen na nasa western highland ng nasabing bansa.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez na naiparating na umano sa embahada ang nasabing insidente at kasalukuyan nang gumagawa ng pagsisiyasat ang mga local authorities.

Sa nabanggit na ulat, pinatay umano ng mga salarin ang dayuhan habang pinagtulungang gahasain ang kasama nitong Pinay.

Samantala, kamakailan lamang, isang 32-year old American woman din ang na-gang rape sa Papua New Guinea.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.