Pinay at Intsik, dinukot sa Sabah

PATULOY ANG pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nangyaring pagdukot sa isang Pinay at Chinese national sa isang floating resort sa Semporna, isla ng Sabah.

Base sa report ng Malaysian media, tinukoy ang ulat ni Eastern Sabah Security Command (ESSCOM) director general Datuk Mohammad Mentek na nangyari umano ang insidente bandang alas-10:30 ng gabi kahapon.

Sinasabing nagtatrabaho umano sa naturang resort ang nasabing Pinay.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, lulan ng motorized banca ang mga salarin nang pasukin nila ang Singamata Reef Resort at puwersahang dukutin ang mga biktima.

Matatandaan na noong nakaraang taon, sinalakay din ng armadong grupo ang Pom-Pom island malapit sa Semporna, kung saan nasawi ang isang Taiwanese national.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.