Pinay Comfort Women, Kinampihan ng Kababaihan sa Okinawa

NAKAHANAP NG kakampi ang mga Pinay na naging comfort women noong panahon ng Japanese occupation sa mismong mga kababaihan ng Okinawa, Japan.

Ito ay para tuligsain ang mga sinabi ni Osaka Mayor Toru Hashimoto na nagbibigay ng katwiran sa pang-aabuso ng mga sundalo noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Base sa opisyal na pahayag ng Okinawa womens group, wala umanong katapat na pangangatwiran ang pang-aabuso lalo na sa mga kababaihan mula sa Pilipinas, South Korea at China.

Dahil dito, pinaghihingi ng sorry ng mga kababaihan mula sa Japan ang kanilang mayor dahil sa paglapastangan nito sa mga biktima ng Japanese imperial army noon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.