Pinay, Biktima ng Ligaw na Bala sa Egypt

ISANG PINAY ang malubhang nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala sa pagpapatuloy ng civil war sa Egypt.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na tinamaan ng bala sa kanyang kanang balikat ang Filipina-Egyptian teenager ng Helwan, Cairo matapos na tumagos ang nasabing bala sa kanilang apartment kamakailan.

Pinuntahan na ng mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo ang Pinay na hindi tinukoy ang pangalan habang naka-comfine sa pagamutan upang tingnan ang kanyang kondisyon at inalok ng tulong.

Pinayuhan muli ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ating mga kababayan na umiwas munang magtungo sa nasabing dahil sa tumitinding karahasan.

Kamakailan ay idineklara ng DFA ang crisis alert level 3 sa Egypt para sa may 6,000 Pinoy at ipinatutupad na ang voluntary repatriation.

Pinapayuhan din ang mga OFW doon na manatili sa kanilang bahay at umiwas sa matataong lugar lalo na sa mga pinagdadausan ng demonstrasyon at karahasan bilang pagsunod sa kautusan ng gobyerno ng  Egypt lalo ang curfew na mahigpit na ipinatutupad.

Samantala, sa mga OFW na nakatira malapit sa kagulunan, sila ay pinapayuhang umiwas na lumapit o dumungaw sa kani-kanilang bintana upang maiwasan ang tulad nang sinapit ng nabanggit na Pinay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.