Pinatunayang ‘di pa siya losyang Pagpapaseksi ni LJ Reyes sa men’s mag, aprub sa asawang si Paulo Avelino!

HOT MOMMA ang taguri ngayon sa young mom na si LJ Reyes na nag-cover for men’s magazine for the 2nd time around, kung saan ang una ay sa FHM at ang latest ay sa Playboy Philippines.

Kaya naman pala very slim at sexy si LJ ngayon ay dahil na rin sa pinaghandaan nito ang muling pagpo-pose nang sexy sa babasahing panlalaki.

Happy raw si LJ sa positibong response ng mga nakakita at nakabili na ng Plaboy na siya ang pabalat, kung saan nga tinagurian siyang hot mama.

Mas okey na nga raw kay LJ na matawag na hot mama, kaysa naman losyang. Okey naman daw sa hubby nito na si Paulo Avelino ang pagpo-pose niya sa nasabing men’s mag at walang naging problema sa pagitan nilang dalawa.

AYAW NA lang daw pag-usapan ni Sheena Halili ang pagkaka-link ng sinasabing pinakamalapit na lalaki sa puso nito na si Rocco Nacino kay Kylie Padilla na parehong magkasama sa The Good Daughter.

Ayon kay Sheena, mas gusto raw niyang pag-usapan na lang ang kanyang mga proyekto lalo na’t may bago siyang pelikulang ginagawa under GMA Films, ang One Last Summer, na pinagbibidahan nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona.

Dagdag pa ni Sheena, okey naman sila ni Rocco bilang magkaibigan, kaya naman daw deadma lang siya sa tuwing matatanong siya sa pagkaka-link nito kay Kylie.

ISA SA humihikayat kay Diva Montelaba na sumali sa Bini-bining Pilipinas o Ms World Philippines ay ang guwapitong tsinito na si Steven Silva na napapabalitang karelasyon nito.

Kaya naman nang makarating kay Diva ang nasabing tsika, kitang-kita ang ngiti sa mga labi sabay sabing, “Talaga! Sinabi niya ‘yun?!”

Aminado naman daw si Diva na gusto niyang maging beauty queen, pero feeling daw nito ay hindi pa siya handang lumaban ngayong taon o sa susunod na taon. Natatakot daw kasi itong matalo, kaya naman daw gusto nitong mapaghandaan ang pagsali.

Mas gusto raw nitong handa siya physically at emotionally kapag sumabak na sa mga beauty pageant na sasalihan niya.

100% SUPPORT  ng mga Pinay-Canadian artist na sina Ethel Rose Amistad, Geena Geneza, Eileen Lim at Nicole Gutladera na pare-parehong under Ecclesiastes Production sa American Idol finalist na si Jessica Sanchez na isang Pinay-Mexican.

Kaya naman daw kinakausap ng mga ito ang kanilang mga kaibigan sa Amerika na iboto ang ating pambato sa AI. Naniniwala raw ang mga ito na malaki ang posibilidad na manalo si Jessica kung magtutuluy-tuloy ang magandang performance nito.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleAngelica Panganiban, hindi na maitago ang pagkadismaya sa dos!
Next articleKabuwanan na next month Janna Dominguez, baby girl ang magiging anak!

No posts to display