Pinatunayang aktres talaga
Bea Alonzo, nakipag-lips to lips kay Ronaldo Valdez

BLIND ITEM: Isa pala sa ikinagagalit ng mahusay na actress sa non-showbiz tatay ng kanyang anak ay nang malaman niya mismo sa anak, na ito palang current kulukadidang ng ex-husband niya, pinaliguan ang kanyang baby boy.

Wala naman daw problema kung pinaliguan ng kulukadidang ang anak nilang 6 years old, “Pero sino naman ang hindi maha-high blood. Isinabay ng babaeng ‘yun ang bata sa paliligo niya.

“Nakahubo siya at nakikita nu’ng bata ang buo niyang katawan. Eh, ‘yun ngang nanay, hindi naliligo kasabay ng anak. ‘Yung kulukadidang, nakabihadhad ang buong katawan sa mga inosenteng mata ng bata.

“Kung walang malisya ‘yon sa kulukadidang, ba’t kai-langang niyang paliguan ang bata habang bold siya? Anong gusto niyang patunayan? Na someday ay magiging stepmom siya nu’ng bata kaya dapat masanay na ang bagets na makikita ang suso at keps niya?” sey ng

aming source.

Hanggang ngayon pala ay iritang-irita ang mahusay na aktres sa kulukadidang ng ex-dyowa niya, dahil ‘pag hinihiram ng tatay ang kanyang anak ay nag-iisip na naman siya kung anong pagpapalapad ng papel ng kulukadidang sa anak niya.

Teka, si kulukadidang at ang ex-dyowa pa ba?

Eh, balita rin namin, sume-segue pa sa ibang mhin ang kulukadidang. Naku, Neng, careful-careful ka ha? Pangit naman ‘yung kontrobersiyal ka, hindi dahil sikat ka, kungdi dahil sa mga katsipang isyu na pinapasukan mo.

 

NAKAKALOKAH, NGAYON pa lang, ang dami nang nanghihingi ng passes sa akin para sa The Mistress nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Alam n’yo namang isa ring batayan kung malakas ang pelikula sa takilya o hindi ay ang “clamor” sa paghingi ng passes.

Kami nga rin ay curious na curious na rin sa pelikulang ito, dahil very offbeat ito para kay Bea. Imagine, pumayag siya sa kissing scene with Tito Ronaldo Valdez?

“Bakit naman hindi eh, mahusay naman si Tito Ron?” sabi nga sa amin ni Bea nu’ng magkita kami sa Sta Magic Ball 2012.

Napanood din ni Bea ang special feature ng “Showbiz Inside Report” sa loveteam nila ni JLC at nag-thank you siya sa amin. Naaliw rin si Bea sa harutan ng mga hosts (Janice de Belen, Carmina Villaroel at Joey Marquez) sa

aming tanong kung kaya bang gawin nina Mina at Janice ‘yung daring scene with Tito Ron, like the kissing scene.

Parehong napailing sina Janice at Mina. It could be anybody in Tito Ron’s place, pero hindi raw nila kaya, kaya nga bilib na bilib sila ke Bea.

Pero nang tanungin namin si Janice kung si Tito Ron o si John, agad-agad, sagot ang Janice ng, “Tito Ron!”

 

KUNG GUSTO n’yo pa ng mga latest chika tungkol sa mga paborito n’yong artista, every weekdays at 3 – 4:30 pm. (Manila time) ay p’wede na kayong manood online sa www.ustream.tv.channel/vibes-tayo at p’wede kayong makipag-chat sa amin nina Rommel Placente, Loi Villarama at Jhai Ho.

Paki-like na rin ang www.facebook.com/vibestayo at sundan n’yo rin kami sa twitter @ogiediaz for more of our kagagahan sa buhay. Hahahaha!

Don’t worry, kung basher or hater kayo, makakaasa kayong hindi namin kayo lalabanan. Pero iba-block na namin kayo agad-agad para wala nang echosan pang magaganap.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “Pinatunayang aktres talaga
Bea Alonzo, nakipag-lips to lips kay Ronaldo Valdez

  1. parang si Iwa Moto ang kulukadidang

    si Jodi ang magaling actress

    at si Pampi Lacson ang ex-husband na jowa ngayon ni kulukadidang

  2. blind item, i think;

    non-showbiz husband: pampie lacson
    kalukadidang: iwa “pokpok” motto
    mahusay na aktres: jodie sta. maria

Leave a Reply

Your email address will not be published.