Pinatunayang ‘di bigay ni Manny Pacquiao Ara Mina, hinuhulugan pa rin sa bangko ang bahay

NAPAGBIGYAN KAMI NI Ara Mina na makapasyal sa kanyang malaking bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa QC. House and intriga tour ang na-ganap habang kausap ni Ara ang aming segment host sa Hello Dolly na si Miss Dolly Ann Carvajal.

Nakakalula ang perfume collection ni Ara. Color coded ito. Mamahaling brand lahat at talagang may sarili itong kuwarto sa kanyang bahay. Pati ang kanyang mga branded bags ay OA rin sa dami, pero inamin niyang ang iba niyon ay bigay o kaya naman ay hulugan. Pagdating naman sa sapatos, isang malaking cabinet din ang kanyang inilaang paglagyan nang hile-hilerang shoes, pero hindi naman daw siya mahilig sa branded shoes.

Sa tanong naman kung ‘yung bahay ba na ‘yun ang sinasabing bigay raw diumano ni Pacquiao na naging sanhi ng isang malaking kontro-bersiya noon, sagot ni Ara, “Tingnan n’yo sa RCBC, patuloy ko pa itong hinuhulugan sa ngayon.”

 

SA AMING PATULOY na paglalam-bing kay Ate Aida, ang personal accountant ni Governor Vilma Santos na mapagbigyan kami ng panayam sa Star for All Seasons para sa Paparazzi ng TV5,  isang  text  ang  aming natanggap mula sa kanya na sumabay na lamang kami sa mga entertainment press na dadalaw sa gobernadora noong Miyerkules ng tanghali, Agosto 10, 2011.

Ayon pa kay Ate Aida, may meeting pa si Gov. sa Commision on Audit sa umagang ‘yun kaya perfect ang lunchtime para niya kami maharap at ang iba pang mga entertainment press.

Isang mer-yenda muna ang inihain sa lahat at kasunod ang masarap na tanghalian bago kami pinaakyat sa second floor nang The People’s Mansion kung saan tumatanggap ng mga bisita si Ate Vi at dito raw sa The Mansion ay at home na at home ito na makikipag-usap sa mga bisita.

Bandang ala-una y medya ay hinarap na kami ng Star for All Seasons. Sa patuloy na pakiki-pag-usap ni Gov. Vilma sa mga press, inamin niyang hindi lang pala ang El Presidente ni Governor ER Ejercito ang kanyang natanggihan dahil sa conflict ng schedule, kundi pati pala ang indie film at Cinemalaya entry na Isda.

Isda was offered to me by Direk Adolf Alix, I like the mater-ial pero talagang hindi ko siya ma-prioritize dahil sa dami ng aking ginagawa sa Batangas. But I’m very happy for my friend, Pie (Cherry Pie Picache), kasi ang ganda ng kanyang pagkakaganap sa Isda.”

Ang iba pang mga rebelasyon, at mga kasagutan tungkol sa patuloy pa ring ‘rivalry’ sa kanila nang nagbabalik-bansang Superstar Nora Aunor ay mapapanood sa Linggo ng hapon, 1:30 sa Paparazzi. Abangan!

 

HINDI KAMI EARLY riser kaya nagulat na lamang kami sa isang tawag sa aming kasama-han sa TV5 na naaksidente raw si Joseph Bitangcol alas-singko nang madaling-araw at nasa Marikina Valley Medical Center daw ito na-confine.

Ayon sa mga ulat, nasagi ng ten-wheeler truck ang sinakyang Montero nina Joseph at nang lima pa niyang kaibigan sa may bandang Fatima College sa may papuntang Antipolo.

Na-shock kami sa balita dahil wala pang isang taon nang makapanayam namin si Joseph sa kanilang tahanan para sa  aming segment na Caught By Cristy hosted by Nanay Cristy Fermin sa Paparazzi.

Ang nasabing panayam ang naging hudyat upang makabalik sa showbiz si Joseph at nagkaroon ng maraming shows at raket. Sana mabilis maka-recover si Joseph sa tinamong aksidente pagkatapos niyang ma-operahan sa chin.

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

8 thoughts on “Pinatunayang ‘di bigay ni Manny Pacquiao Ara Mina, hinuhulugan pa rin sa bangko ang bahay

  1. engot ka pala eh!!! i vilma naging kaulayaw din ni bobby vasquez!!! Its a fact!!! Research more bago magsermon!!!

  2. @UFO, oo nga pala ano, affected pala ako, totoo pala ang sinabi nyo. You’re both right nga pala. Hindi ko lang talaga trip ang mang-aagaw, bad trip yon, hindi kasi nererespeto ang feelings ng inagawan, walang edukasyon ang mang-aagaw maski anong angle pa tingnan, kasi ang may pinag-aralan na tao, hindi mang-aagaw. Oo pala ano, affected pala ako PERO maski affected hindi parang ULOL ang mga sinasabi ko kasi may substance at totoong totoo ang lahat na mga pinagsasabi ko about sa mang-aagaw. Maski sino ayaw na maagawan ng mahal sa buhay.

  3. At sa pagka alam ko yata hindi ko yata pinintasan sina Lucy Torres Gomez, Vilma Santos, Rosa Rosal, Susan Roces, Nida Blanca at iba pang mga matinong mga artista kung may mga article na sinulat dito sa column na ito, dahil mga respetadong mga tao sila at may mga dignidad. Hindi ko lang type ang mang-aagaw kasi inagawan na ako noon at alam ko ang sakit sa ganoong ginawa sa yo. Parang hindi naman yata parang bulol pakinggan yon di ba bentong my dear???????

  4. @bentong, ayyy, hindi ako affected te, sinabi ko lang ang totoo, hindi yon panghuhusga. Did you see her past interviews na may pasaring kay Aiko na parang sinong birhen kong magsalita, parang gusto iparating na si Aiko pa ang may kasalanan sa lahat nilang away. Anong panghuhusga yon, e kita naman sa mukha sa mga interview nya at maski hindi nag-aaral ng psychology ang isang tao, makita yon sa mukha. I’m just commenting what I saw from interviews, yon lang bentong. At sinabi ko rin na hindi si Aiko ang nang-aagaw kay Jomari, bakit hindi ba ito totoo or nagbulaglugan ka ba lang???? At ang mga sinabi ko rin about sa mga babaeng mang-aagaw ng ibang mga lalaking may sabit na ay walang mga respeto sa ibang tao, bakit, mali ba yon? Kailangan mo bang i glorify ang mga babaeng mang-aagaw at walang mga respeto at walang dignidad? Saan dito bentong sa mga sinasabi ko ang parang ulol pakinggan, at least ako may prinsipyo sa mga larangan na ito, ikaw may dignidad ka ba at prinsipyo?

  5. Isa pa itong Ara na ito, makuha pang hindi makipagbati kay Aiko, ang sa pagkaalam ko hindi yata si Aiko ang nang-aagaw kay Jomari. The nerve, ang babaing papatol sa may sabit is the lowest form of animal sa pagkaalam ko. Kung ang tao may respeto at sense of dignity, hindi ka papatol sa may sabit dahil winasak mo na rin ang future ng mga anak.