Pinatay ni Bebeng, patuloy na nadagdagan

NADAGDAGAN PA ANG mga biktima ng pananalasa ng bagyong Bebeng, kung saan umabot na sa 35 ang nasawi.

Batay sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, karamihan sa mga nasawi ay mula sa Bicol Region.

Kabilang sa mga nadagdag sa listahan ng mga namatay ay sina Eddie Rajuso, 32 anyos mula sa bayan ng Monreal, sa Masbate; Mary Joy Tarapojop, anim na taon ng bayan ng Lope de Vega, Northern Samar  at Mary Rose Tarapojop, 11 taong gulang ng Catbalogan, Western Samar.

Dalawa naman ang hindi pa rin natatagpuan habang 11 ang sugatan nang humagupit ang bagyo noong isang linggo.

Nananatili naman sa P1.3 bilyon ang halaga ng pinsala ng kalamidad sa imprastraktura at agrikultura. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.