Pinatay na kagawad, nagmumulto sa brgy. Hall

NAGMUMULTO SA loob ng barangay hall ang isang pinatay na barangay kagawad kung saan ay nakaririnig ang mga residente, mga opisyales ng barangay at mga barangay tanod ng panaghoy at pagpaparamdam sa Caloocan City.

Ayon sa mga residente, tatlong araw pa lamang umanong naililibing si Kagawad Melvin Cunanan, ng Brgy. 96, Biglang Awa ng nasabing lungsod ay nagmumulto at nagpaparamdan umano sa kanyang mga kasamahan sa barangay.

Sinabi pa ng mga residente, magmula umanong magmulto si Cunanan ay wala na ni isa mang residente, barangay official o barangay tanod ang pumapasok sa loob ng kanilang barangay hall.

Wika pa ng mga residente, pati na ang punong barangay na si Manuel Rubio ay natatakot na rin umano na pumasok sa kanyang tanggapan sa barangay hall.

Napag-alaman mula sa ilang residente na sa tuwing sasapit umano ang oras na barilin at mapatay si Cunanan, ay nakaririnig sila ng panaghoy ng isang lalaki na tila humihingi ng hustisya at nakaririnig sila ng bumabagsak na mga bagay sa sementadong sahig sa loob ng barangay hall gayung isa mang tao sa loob ng barangay hall ay wala.

Magugunitang si Cunanan ay binaril at napatay ng isang hindi nakikilalang suspek sa loob ng barangay hall habang mag-iisang ginagampanan nito ang kanyang tungkulin noong Enero 24, 2012, dakong alas-8:30 ng umaga, kung saan wala pang malinaw na imbestigasyon ang pulisya.

Si Cunanan, pangalawang nahalal na kagawad, ang siyang napupusuan ng kanyang mga kabarangay na ipalit kay Rubio sa darating na barangay election.

Nabatid pa sa kapatid ng pinatay na kagawad na si Maritess Cunanan, 50, walang asawa, naghihinala siya, pati ang ka-yang mga kabarangay na may kinalaman si Rubio sa pagkamatay sa kagawad sa dahilang takot si Rubio na makalaban si Cunanan sa pagka-barangay chairman sa susunod na halalan sa kanilang lugar.

Ayon pa kay Maritess, bago paslangin ang kanyang kapatid ay kinausap umano ni Rubio ang pinatay na kagawad na humihiling na huwag siyang labanan sa susunod na eleksiyon at pagbigyan siyang tapusin ang isa pa niyang termino bilang chairman. (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.