‘Pinas: Sana Seryoso ang Tsina sa Code Dialogue

UMAASA NA lamang si Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na seryoso ang bansang Tsina sa pakikisali nito sa official consultation hinggil sa pagbuo ng code of conduct sa West Philippine Sea.

Una ng ipinahayag ng Tsina ang pagpayag nitong pag-usapan ang code of conduct, bagay na sinuportahan din ni US Secretary of State John Kerry sa pagpapatuloy ng ASEAN Ministers Meeting kamakailan sa Brunei.

Ayon kay Del Rosario, gusto nitong maniwala na interesado talaga ang Tsina para umusad ang proseso ng negosasyon.

Sinabi ni Del Rosario na magsisimula ang proseso sa Tsina sa layuning mapahupa ang tensyon at magkaroon ng patakaran sa naval operations sa naturang karagatan.

Samantala, una ng nagpalitan ng akusasyon ang Tsina at Pilipinas hinggil sa agawan ng teritoryo kung saan pinakahuli ang inilabas ng People’s Daily sa Beijing na nagbanta ng counterstrike, bagay na kinondena ni Del Rosario at tinawag na iresponsableng pahayag.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.