‘Pinas Napipisil na Maging Host sa World Youth Day sa 2015 o 2016

KABILANG UMANO ang Pilipinas sa ikinokonside-rang posibleng susunod na maging venue uli ng World Youth Day (WYD) para sa taong 2015 at 2016.

Ito ang sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) chairman Masbate Bishop Joel Baylon.

Inihayag ni Baylo na may mga naririnig silang pinag-uusapan na kabilang ang Pilipinas at Poland sa mga pinagpipiliang bansa na pagdarausan ng WYD.

Ang 2013 World Youth Day ay gagawin sa Rio de Janeiro, Brazil.

May kabuuang 175 Filipino delegation ang dadalo sa naturang malaking pagtitipon.

Sakaling mapili ang bansa bilang susunod na Catholic youth festival venue, dadalaw sa bansa si Pope Francis.

Maaalala na noong 1995 ginanap sa bansa ang World Youth Day kung saan mismong si Blessed Pope John Paul ll ang nanguna sa natu-rang makasaysayang pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.