‘Pinas, Nananatiling Ligtas sa MERS-Coronavirus

LIGTAS HANGGANG sa nga-yon ang Pilipinas sa Middle East Respiratory Syndrome – Coronavirus (MERS-CoV), ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag, patuloy na tinututukan sa mga paliparan ang mga pasahero lalo na ang mga nanggaling sa Middle East. Mayroong mga thermal scanner para matukoy kung sino ang mga may sakit at lagnat.

Pinapayuhan din ni Tayag ang mga pasahero na saka-ling may sakit ay kumonsulta agad sa manggagamot.

Sa Saudi Arabia, ginawa nang 14 araw ang incubation period sa MERS-CoV mula sa dating 10 araw, ayon sa Health Ministry roon.

Ganito din ang pinag-aa-ralan ngayon ng Pilipinas ayon kay Tayag.

Kasalukuyan namang umakyat na sa 31 ang namatay sa sakit mula sa 55 kasong naitala sa buong mundo. Sinabi ng WHO na posibleng maging pandemic ang bagong sakit na unang naitala noong Marso.

Kabilang sa mga bansang may kaso na ng sakit sa ngayon ang Britain, France, Germany, Italy, Jordan, Qatar, Tunisia at United Arab Emirates.

40 sa kabuuang kaso ng MERS-CoV ang nasa Saudi Arabia.

Nananatiling blangko ang mga eksperto ukol sa pinagmulan ng nasabing sakit.

Samantala, ngunit lumalabas na maaaring maipasa ang viirus sa oras na magkaroon ng close contact sa isang infected person batay na rin sa mga obserbasyon sa mga naitatalang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.