‘Pinas, nakiramay sa pagpanaw ni Sharon

NAKIRAMAY ANG Pilipinas sa pagpanaw ni former Israel Prime Minister Ariel Sharon.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez na ang malaking papel na ginampanan ni Sharon ay ang pagsulong at pagpanatili ng kapayapaan.

“Philippines joins the government and people of Israel in mourning the passage of their former Prime Minister Ariel Sharon. He was a bold and vigorous leader in war and in peace. May his important contributions in the quest for peace be long remembered,” ayon kay Hernandez.

Una rito, pumanaw si Sharon sa edad na 85 matapos ma-comatose simula pa noong 2006.

Inihayag ni Sheba Medical Center director Zeev Rotstein na hindi nila magawang ma-stabilize ang kidney ng dating prime minister dahil sa maselan nitong kalagayan sa mga huling sandali ng buhay nito.

Si Sharon na naging prime minister ng Israel simula 2001 hanggang 2006 ay na-stroke sanhi upang ito’y maging comatose.

Maaalala na ang dating prime minister ang utak sa pagsalakay ng Israel sa Lebanon na ikinamatay ng daan-daang katao dahilan upang bansagan itong “Butcher of Beirut”.

Nakipagkasundo din ito kay dating Palestinian leader Yasser Arafat para matigil ang Israeli-Palestinian violence at isa sa masigasig noon sa pagsusulong ng kapayapaan sa Middle East.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.