‘Pinas, Nagbigay ng $250,000 sa mga Biktima ng Sandy

NAG-DONATE NG $250,000 na tulong pinansyal ang Pilipinas sa mga naging biktima ng bagyong Sandy sa Estados Unidos.

Ito ang kinumpirma ni US Ambassador Harry Thomas Jr. sa kanyang Official Twitter account.

“Thank you Gov. of the Philippines who will donate $250K to the American Red Cross to help victims of Hurricane Sandy. True partners&friends!”

Maaalala na binayo ng bagyong Sandy ang East Coast ng US, kung saan aabot na sa 62 ang namatay.

Tinataya namang aabot sa $20 hanggang $30 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo, hindi lang sa mga imprastrakura kundi ma-ging sa mga naluging negosyo at iba pang kabuhayan.

Samantala, higit 6 milyong kabahayan din ang nananatiling walang kur-yente, karamihan sa New York at New Jersey na ma-tinding sinalanta ng natu-rang bagyo.

Una nang pinayuhan ng embahada ng bansa sa Washington ang mga Pinoy community doon na lumikas na sa banta ng matinding pagbaha.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “‘Pinas, Nagbigay ng $250,000 sa mga Biktima ng Sandy

Leave a Reply

Your email address will not be published.