‘Pinas, Miyembro na ng G8 Global Partnership Kontra Weapons of Mass Destruction

GANAP NANG kasapi ng Global Partnership Against the Spread of Weapons and Materials of Mass Destruction (GP) ang Pilipinas.

Ika-26 na miyembro ang Pilipinas sa GP na isang subsidiary body ng G8 na layuning tugunan ang ilang isyung kakabit ng WMD tulad ng nuclear and radiological security, biosecurity, chemical security, at scientist engagement.

Sinasabing mahalagang hakbang ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa organisasyon na tanda ng paglawak ng grupo sa timog sila-ngang Asya.

Ang orihinal na 10-taong inisyatibo na ito ay napagdesisyunan pang palawigin sa mga susunod na taon para matiyak na mapipigil ang terorista at estado na magkaroon at mag-develop pa ng WMD.

Ipinatutupad din ng GP ang United Nations Security Council Resolution 1540 na pumipigil sa paglaganap ng “nuclear, chemical and biological weapons and their means of delivery constitutes a threat to international peace and security”.

Samantala, kabilang na sa mga maituturing umanong tagumpay ng nasabing programa ang pagpapasara sa “vulnerable weapons and materials”, pagsira sa Russian nuclear submarines at chemical weapons, export controls, at pakikipagtulungan sa mga siyentista at technical experts sa isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.