‘Pinas, kabilang na sa ‘world’s best’ basketball team

NAHAHARAP NA naman sa isang malaking pagkakataon ang Pilipinas na muling tata-tak sa buong mundo bilang isa sa “world’s best” basketball team.

Matapos na talunin ang South Korea sa iskor na 86-79, tiyak na ang pagbabalik ng Philippine Team sa Federation International Basketball Association (FIBA)-World Championship na gaganapin sa Madrid, Spain sa susunod na taon.

Matatandaan na huling nakapasok ang Pilipinas sa world championship noon pang taong 1978 kung saan nagsilbi itong host sa nasabing torneo.

Sa pakikipagtunggali laban sa South Korea, hindi matatawaran ang ginawang kayod ng mga manlalarong Pinoy para masungkit ang pasaporte.

Si Jimmy Alapag ang gumawa ng 14 puntos, kabilang ang apat na 3-pointer shots para maagaw ng bansa ang tempo sa huling bahagi ng laro.

Malaki rin ang naitulong ng depensa nina Marc Pingris at Ranidel de Ocampo para mapunan ang kawalan ni Marcus Douthit.

Samantala, ang tinaguriang “heart and soul” ng koponan na si Jayson Castro ay nagtala naman ng 17 puntos habang si De Ocampo ay may ambag na 14 puntos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.